Saturday, March 22, 2008

mga author















GIAN FERNAND M. RAMOS (GIAN)



JOSHUA ANDREW DELLO (JAO)









JOHN EMANUEL PEÑALOSA (hindi sigurado si John kung isang "M" lng o dalawa ahahha)












MARK IMMANUEL ARIOLA (KIM)

Saturday, March 15, 2008

Buhay Bouncer

Ariola, Mark Immanuel

Dello, Joshua Andrew

Peñalosa, John Emanuel

Ramos, Gian Fernand

1-Dam






Konsepto sa Buhay Bouncer


I. Panimula

Kapag tayo’y pumupunta sa mga bar, madalas tayo nakakakita ng mga tinatawag na “bouncer” ito yung mga taong malalaki ang hubog ng pangagatawan na nagbabantay sa mga costumers o minsan umaawat/pumipigil sa mga taong nagkaka-alitan. ngunit anu ba talaga ang kanilang buhay sa likod ng pagiging bouncer? Ano ba talaga ang mga kinalailangan na maging isang bouncer maliban sa malaking katawan? May mga tinatawag din bang “qualification” gaya ng edukasyon? Ang ginagampanan ba nilang tungkulin sa kanilang trabaho ay salungat ba sa ginagampanan nilang tungkulin sa kani-kanilang mga tahanan at sa pamilya o parehas lamang? Gaano ba kalaki ang kanilang sahod at maari ba to panatiliin ang kanilang pamilya at buhayin ng maayos ang pamilya? Ginusto ba nila ang pagiging bouncer mula ng sila'y mga bata pa? Bakit hindi nating usisain ng mabuti ang buhay ng isang bouncer? Halina't talakayin natin ang buhay ng isang bouncer para tayo’y maengganyo sa isang hanap buhay.


II. Katawan

Marahil marami sa atin ang nagtataka sa buhay o "lifestyle" ng isang bouncer. Anu nga ba ang iba't ibang mga kadahilanan nila kung bakit sila napunta sa ganitong trabaho. Maraming bagay ang pwedeng magbigay liwanag dito pero lahat na tao ay iba’t iba at maaaring iba ang kanyang dahilan sa pagpasok sa trabahong ito. Sa pamamagitan ng paksang ito, malalaman ng mga tao ang totoong mga rason sa paggiging bouncer kung gusto nga ba nila ito o napipilitan lamang sila. Malaki ang posibilidad na delikado ang hanap buhay na ito dahil ito ay palagi gabi na at maaari din silang magkasakit dahil sa skedyul ng kanilang trabaho. Sulit nga ba ang trabahong ito na pwede nila ilagay sa panganib ang buhay nila?

III. Konklusyon


Ang inaakala ng mga tao ay napakadali at napakasimpleng trabaho ang pagiging bouncer. Hindi lang natin alam, sa laki ng pangagatawan nila ay may mga peligro din silang ikinakaharap. Maging silay nakararanas din ng pambabastos at minsan ay nahaharass kahit ganun na kalaki ang kanilang katawan. Ano ang mga importansya ng kanilang trabaho pag dating sa mga bar? Pagdating ba sa bahay ay bouncer parin sila o isang napakapagmahal na ama? Malalaman natin iyan pagdating ng takdang panahon.









Balankas




I. Introduksyon
A. Kahalagahan at Importansya
B. Saklaw at Limitasyon
C. Thesis Statement

II. Kaakuhan ng Bouncer
A. Ano ang Bouncer?
B. Mga Trabaho ng isang Bouncer



III. Impormasyon ukol sa Trabaho ng Isang Bouncer sa Metrowalk

A. Skedyul ng Trabaho

B. Skedyul Pagkatapos ng Trabaho
C. Sahod

IV. Mga Dahilang Nagbunsod sa Pagiging Bouncer
A. Impluwensya
B. Nagudyok

V. Mga Suliraning Kinakaharap ng Bouncer
A. Mga Suliraning sa Trabaho

VI. Importansya ng Trabaho
A. Sa Bar
B. Sa Pamilya

VII. Klase ng Bouncer
A. In-House
B. Events

VIII Konklusyon





Pananliksik

I. Introduksyon


A. Kahalagahan at Importansya
Ang pananaliksik na ito ay handog naming para makatulong sa iba’t ibang pananaw ng mga tao sa isang bouncer. Hindi lamang sila isang malaking tao na walang pakealam sa mundo kundi mag palaki lang ng kanilang katawan. Sila ay isa ring tao katulad nating lahat. Ang balak ng pananaliksik na ito ay para ibahin ang pantingin sa kanila at bigyan din sila respeto.

B. Saklaw at delimitasyon
Tinatalakay dito ay kung ano talaga ang ibig sabihin ng isang bouncer at ang kanyang mga hinaharap sa buhay habang nagtatrabaho dito.
Hindi madali ang maghanap ng isang bouncer lalo na sa edad ng isang estudyante dahil pinagbabawalan pumasok ang mga ito. Ang pananliksik na ito ay nakatukoy lamang sa mga bouncer sa Decades ng Metrowalk.


C. Thesis Statement
Ang bouncer ay isang karaniwang tao katulad nating lahat isang ordinarong tao kung saan may mga problema din sa buhay at mga aspirasyon.


II. Kaakuhan ng Bouncer

A. Ano ang Bouncer?
Ang bouncer ay isang impormal na tawag sa isang security guard. Karaniwang nakikita sa isang bar kung saan sila ang tagapagbantay dito. Hindi sila pinapayagan uminon ng madaming alak dahil baka ito ang dahilan kung bakit magkagulo sa isang bar. Bawal din sila mag dala ng armas o baril dahil hindi nila ito trabaho, ang trabaho lang nila ay kumausap sa isang problemadong tao o kaya’t isang lasing na tao.
Ang salitang bouncer ay unang ginamit sa isang newspaper article sa Amerika noong 1883.
Karaniwang lalake ang isang bouncer ngunit may mga babaeng bouncer din.


B. Mga Trabaho ng Isang Bouncer
Ang pangunahing trabaho ng isang bouncer ay sila ang nagbabantay ng bar para sa mga mayor de eded na balak pumasok dito sa pamamagitan ng pagusap sa mga ito hanggat maari. Sila ang nagpapalabas ng mga kabataang lasing na o malalasing palang dahil ito ay makakasama sa sa kanilang trabaho. Sila rin ang may otoridad na mag singil ng “entrance fee” sa mga bars.


III. Impormasyon ukol sa Trabaho ng isang Bouncer sa Metrowalk


A. Skedyul ng Trabaho
Ang skedyul ng isang bouncer doon ay hindi tiyak dahil may mga tinatawag din silang “shifting”. Ayon sa mga nakausap naming bouncer ay karaniwang daw ang kanilang trabaho ay tatlong beses sa isang linggo. Ang kanilang skedyul ay mula 8 ng gabi hanggang 6 ng umaga. Nagtitipon-tipon lamang ang lahat na bouncer pag dating nang sabado dahil ito raw ang pinakamaraming tao.


B. Skedyul Pagkatapos ng Trabaho
Pagkatapos ng trabaho nila ng 6am ay umuuwi sila sa kanikanilang mga bahay at kwento ng konte at matutulog na sila mula 8am hanngang 4pm. Pagkatapos nun ay nagliligpit para sa gym nila ng 5pm hanngang 8pm, diretso na sila sa Metrowalk upang magduty.

C. Sahod
Hindi daw sapat ang kanilang sahod sa pang araw-araw nila dahil hindi naman sila daily nagtatrabaho at hindi sila binibigyan ng pera para sa kanilang gym. Ang pinakamababa daw ay P800-900 depende kung gaano kana ka tagal nagtatrabaho doon. May dalawang libreng kain sa loob ng bar para sakanila. Binibigyan din sila ng isang bote ng alak para sa buong gabi na iyon.


IV. Mga Dahilang Nagbunsod sa Pagiging Bouncer


A. Impluwensya
Hindi naman nila naisipan maging bouncer ng bata pa sila. Ang tanging gusto lang nila ay mag palaki ng katawan. Sa isang bouncer na nakausap naming ay ang sinabi niya na nagsimula daw siya magpalaki ng katawan noong 1990. Gusto niya daw sumali sa isang kompetisyon ng palakihan ng katawan kaya siya nagpalaki ng katawan. Naisipan niya na mapagkikitaan niya ito kaya nang 1996 ay nagsimula siya nang pagiging bouncer.


B. Nagudyok
Ang pangunahing nagudyok talaga sa kanya na maging bouncer ay ang kahirapan. Bago siya naging bouncer ay nagsimula siya magtrabaho sa iba’t ibang beerhouse at naging security guard din daw siya sa isang store. May kakilala siya na naging bouncer noon at sinabi sa kanya na mas malaki ang kita ng isang bouncer kesa isang security guard kaya naisipan niyang maging bouncer.



V. Mga suliraning Kinakaharap ng Bouncer

A. Mga Suliranin sa Trabaho
Madaming suliranin sa trabaho ng isang bouncer.
Binabastos ang ibang mga bouncer dahil sila ang nagpapalabas sa mga kostumer na hindi maayos. Ang mga mayayaman daw ang isa sa mga pangunahing mga nagsisimula ng mga gulo sa isang bar dahil akala nila na hindi sila papatulan ng isang bouncer dahil mapera sila.
Kapag lasing na ang isang tao ay trabaho din ng bouncer ang gawin ang tamang paraan, pauuwiin na ang mga ito. Kapag may gulo ay iniiwasan ng mga bouncer ang sumuntok dahil hindi naman talaga nila ito trabaho kundi kakausapin lang nila ito.

VI. Importansya ng Trabaho

A. Sa Bar
Importante ang isang bouncer sa bar dahil maliban sa nagbabantay sila ng mga gulo ay pag hindi pa nga nagsisimula ang trabahong actual ay sila ang nagaayos ng mga upuan sa labas ng kani-kanilang mga bar. Sila rin ang nagsisilbing mga utusan ng manager at wala silang magagawa ditto kundi sundin lamang ito. Kapag may lumabas na costumer ay naglalagay sila nang stamp para malaman kung nagbayad nab a talaga ang mga ito o bagong kusto mer pa alamang.

B. Sa Pamilya
Pagkatapos ng kanyang trabaho ay umuuwi na ang bouncer sa kanilang mga bahay. Importante sila dahil sila ang nagsisilbing inspirasyon sa kanilang mga anak at sila rin ang nagdadala ng pera sa bahay upang may makain ang kanilang pamilya. Pagdating ng bahay ay isang ordinaryong tao na sila dahil at mapagmahal sa pamilya dahil hindi naman nila nakikita ang kanilang pamilya araw-araw.


VII. Klase ng bouncer


A. In-House Bouncer
Ang “In-House” ay ang mga nakikita nating mga bouncer sa mga bar kung saan sila ay nagsisilbing mga security gaurds sa isang particular na gusali.

B. Events Bouncer
Ang mga bouncer na ito ay ang mga nakikita natin tuwing may mga concert sa iba’t ibang lugar at mas mahirap ang kanilang trabaho kung ikokompara mo sa In-House bouncer. Mas malaki at malawak ang kanilang babatayan ang palagi sila nagroroving o umiikot para makita ang mga problema.


VIII. Konklusyon

Ang bouncer ay isang karaniwang tao katulad nating lahat isang ordinarong tao kung saan may mga problema din sa buhay at mga aspirasyon. Batay sa mga ebidensya at mga interbiew na ginawa namin ay masasabi namin na ang bouncer ay ordinaryong tao lamang. Nagiba rin ang pagkakaintindi namin sakanila habang nagiinterbiew kami.
Hindi madali ang pagiging bouncer dahil marami kang mga obligasyon at mga panganib na haharapin.


Kami po ay labis na nagpapasalamat sa mga sumusunod sa pagtulong sa amin gumawa ng pananliksik na ito!Ü



Bb. Beverly "Bebang" Siy

sa pagpapatuloy na pagpasaya sa amin lahat

at pagturo ng wikang Pilipino sa iba't ibang paraan!

Thank You ma'am!

(Hi Ej!Ü)



Sa Buong Class ng 1-Dam

mahal namin kayo?!



Roberto Fernandez

(bouncer)

sa hindi pag-angal sa pagintebiew namin sa inyo!

salamat po!



Sa Diyos!

na palaging nasa tabi namin kahit ano mang oras!